Tuesday, November 08, 2005

Pagtuklas sa Inner Earth, Tuloy


Kung ang buong akala natin noon ay nagbibiro lang ang isang grupo ng mga siyentista sa kanilang hangarin na marating ang loob ng ating planeta o tinatawag na Inner Earth, nagkakamali tayo dahil sa nakatakda na ang kanilang biyahe sa Hunyo ng susunod na taon.

Ang pagtuklas sa daigdig sa loob ng ating planeta ay pangungunahan ni Steve Currey, isa sa mga nangungunang river explorer sa buong mundo. Siya ang kauna-unahang sumisid sa kalaliman ng Yangtze River sa China, Brahmaputra at Upper Ganges Rivers sa bansang India, Futaleufu River sa Chile, Katun River sa Siberia at Tsangpo River sa Tibet.

Kasama ni Currey sa "Inner Earth Expedition" ang batikang manunulat at mananaliksik na si Rodney Cluff, may-akda ng aklat na World Top Secret: Our Earth is Hollow. Nagkaroon ng matinding interes sa hollow earth theory si Cluff nang ito ay 16 na taong gulang pa lamang habang ito ay nagta-trabaho noon sa isang sakahan sa New Mexico.

Lalung lumakas ang ganitong paniniwala sa teorya ni Cluff at Currey dahil sa matibay na paniniwala ng mga Eskimo na merong butas sa Arctic Ocean na natukoy sa lokasyon na 84.4 N Latitude, 141 E Longtitude.

Para matuloy ang Inner Earth Expedition sa June 26, 2006, umarkila na si Currey ng isang Russian Nuclear Icebreaker mula sa kumpanyang Adventure Associates, at binuksan ang naturang misyon para sa unang isandaan katao na interesadong makarating sa Inner Earth.

Aalis ang grupo ni Currey mula Murmansk, Russia sa Hunyo 26, 2006 patungong North Pole lulan ng Icebreaker Yamal, isang espesyal na sasakyan na kumpleto sa amenities nito na merong lakas 75, 000 horsepower at ang unang paghimpil nila ay sa mismong geographic North Pole, sa hilagang bahagi ng Franz Josef Land.

Sa Franz Josef Land, sinimulan ng mag-amang Jens at Olaf Jansen ang kanilang paglalayag pahilagang silangan noong July 1, 1829 at dito nila di sinasadyang natuklasan ang pinakapintuan ng North Pole patungo sa Inner Earth.

Agosto ng taong ding yun nang tumambad sa paningin ng mag-amang Jansen ang isang napakagandang lugar at nakita nila ang mga repleksiyon ng araw o planeta na hindi naman gumagalaw. Ilang araw ang lumipas ay nasa dalampasigan na sila ng isang malaking ilog na nagdala pa sa kanila sa pinakaloob ng planeta kung saan umabot ng sampung araw ng paglalakbay at kitang kita ng kanilang mga mata ang kakaibang tanawin, matatayog at ga-higanteng mga punungkahoy na milya milya ang layo sa bawat isa.

Nang sumapit ang Setyembre 1 1829, nakarinig sila ng mga awitin at isang napakalaking sasakyang panghimpapawid ang unti unting bumababa sa kanilang munting bangka at ilang metro ang taas ay tumigil at bumaba ang ilang mala-higanteng mga tao na merong kakaibang salita na hindi maintindihan ng mag-amang Jansen.

Naulit ang pagpasok ng tao sa loob ng Inner Earth sa North Pole noong Pebrero taong 1947 nang matuklasan ng grupo ni Rear Admiral Richard Byrd ng US Navy ang pinakapintuan patungo sa loob ng ating planeta.

Sa kanyang paglipad sa loob ng lagusan sa North Pole, ay namangha siya nang tabihan siya ng mga kakaibang sasakyang panghimpapawid ng mga tagaroon na kitang kita ang mas makabagong teknolohiya kesa sa mga tao sa ibabaw ng planeta.

Sa katunayan kinamayan pa umano siya ng mga malalaking tao sa naturang lugar at nagkaroon ng talastasan. Kitang kita rin umano ni Byrd ang napakaganda at napakalawak na lupain na merong konting yelo o snow, tanawin na hindi pa nakikita ng sinumang tao sa ibabaw ng ating planeta.

Bagaman ganito ang pagkakasalarawan sa nakita ni Byrd, naging tampulan naman ito ng debate sa hanay ng mga manunulat, mga mananaliksik at mga nagdududa sa teorya ng hollow earth.

Kaya ngayon para malinawan na ang anumang agam-agam tungkol sa Inner Earth, ay ang pagtungo nga ng grupo ni Currey sa North Pole sa susunod na taon. Naglaan ang grupo ng 24 na araw para sa naturang pagtuklas sa lagusan patungo sa loob ng ating planeta.

Kung interesado kang sumama sa naturang Hollow Earth Journey, kailangan mo lang magdeposito ng $5000 at saka na bayaran ang kabuuan ng $18,950 hanggang $20,950.

Ayon kay Currey, kapag pinalad silang makita ang lagusan babagtasin na nila ang Hiddekel River patungo sa umanoy lunsod ng Jehu, sakay ng monorail patungong City of Eden para dalawin ang palasyo ng Hari ng Inner Earth, saka pabalik ng City of Jehu palabas ng North Pole lulan ng Yamal.

At kung di naman makita ang lagusan ay diretso sila sa Siberian Islands para tignan ang mga kalansay ng mga kakaibang hayop na nagmula sa loob ng ating planeta.

Kung gusto niyong malaman pa ang iba pang detalye ng misyon na ito patungong Inner Earth, mag-log in sa aking website: http://misteryolohika.tripod.com. Maaari ding mag-text sa 09206316528 o mag-email sa misteryolohika@gmail.com.#

5 Comments:

Blogger Julia said...

Sunday OldMedia-NewMedia Overload
CyberJournalist reports that the AP is testing three podcasts . The Times says there may be an Emmy for iPod-size video .
Find out how to buy and sell anything, like things related to how to repair a road bicycle on interest free credit and pay back whenever you want! Exchange FREE ads on any topic, like how to repair a road bicycle!

4:17 PM  
Blogger oakleyses said...

burberry handbags, oakley sunglasses, longchamp outlet, tiffany jewelry, nike free, michael kors outlet, longchamp outlet, uggs on sale, louis vuitton outlet, louis vuitton, tiffany and co, nike outlet, michael kors outlet, ray ban sunglasses, christian louboutin, michael kors outlet online, nike air max, uggs outlet, prada handbags, michael kors outlet store, christian louboutin outlet, nike air max, gucci handbags, replica watches, michael kors outlet online, ugg boots, jordan shoes, oakley sunglasses wholesale, ray ban sunglasses, replica watches, louis vuitton, burberry outlet, ugg boots, uggs outlet, louis vuitton outlet, michael kors outlet online, oakley sunglasses, christian louboutin shoes, polo ralph lauren outlet online, longchamp outlet, tory burch outlet, polo outlet, louis vuitton outlet, prada outlet, christian louboutin uk

5:35 PM  
Blogger oakleyses said...

nike roshe, true religion outlet, longchamp pas cher, sac hermes, true religion outlet, jordan pas cher, polo ralph lauren, true religion jeans, ray ban pas cher, sac vanessa bruno, nike air force, true religion outlet, michael kors, louboutin pas cher, hollister uk, hogan outlet, north face uk, nike blazer pas cher, lululemon canada, coach outlet store online, chanel handbags, timberland pas cher, sac longchamp pas cher, nike free run, kate spade, north face, michael kors pas cher, polo lacoste, michael kors, kate spade outlet, guess pas cher, converse pas cher, new balance, nike tn, coach purses, michael kors outlet, coach outlet, nike air max, hollister pas cher, oakley pas cher, burberry pas cher, air max, coach outlet, vans pas cher, ray ban uk

5:42 PM  
Blogger oakleyses said...

north face outlet, soccer jerseys, longchamp uk, nike air max uk, chi flat iron, north face outlet, instyler, giuseppe zanotti outlet, nike free uk, soccer shoes, nike air max, nike roshe run, hollister, p90x workout, bottega veneta, lululemon, beats by dre, baseball bats, celine handbags, ghd hair, ralph lauren uk, abercrombie and fitch uk, wedding dresses, mcm handbags, herve leger, valentino shoes, asics running shoes, vans outlet, abercrombie and fitch, ferragamo shoes, nfl jerseys, jimmy choo outlet, nike trainers uk, mulberry uk, new balance shoes, hollister clothing, reebok outlet, nike air max uk, nike huaraches, hermes belt, mont blanc pens, nike roshe run uk, babyliss, insanity workout, mac cosmetics

5:59 PM  
Blogger oakleyses said...

links of london, louis vuitton, ugg, louboutin, iphone 6 cases, hollister, lancel, hollister, converse outlet, marc jacobs, ugg uk, swarovski crystal, replica watches, pandora uk, montre pas cher, michael kors handbags, juicy couture outlet, louis vuitton, vans, michael kors outlet online, louis vuitton, swarovski, karen millen uk, toms shoes, oakley, ugg pas cher, pandora charms, pandora jewelry, gucci, doke gabbana, timberland boots, ralph lauren, louis vuitton, ray ban, coach outlet, nike air max, converse, ugg,uggs,uggs canada, louis vuitton, juicy couture outlet, supra shoes, ugg,ugg australia,ugg italia, pandora jewelry, michael kors outlet, thomas sabo, wedding dresses

6:07 PM  

Post a Comment

<< Home