Kapalaran sa Bagong Taon
Tuwing bagong taon, lagi tayong nag-iisip at nagtatanong kung ano ang ating kapalaran sa buong taon.
Karaniwan nang sumasangguni ang iba sa mga psychic o “manghuhula” (hindi naman angkop na itawag sa kanila ang ganung pangalan, dahil sa ang anumang katuparan o hindi sa kanilang nakita sa baraha o anumang gamit ay nakasalalay pa rin sa desisyon, kaisipan at gawain ng sinuman).
Ang iba naman ay nakasanayan nang lumapit sa mga eksperto sa pungsoy (fengshui), astrologer at iba pang tao na may kakayanan na silipin ang kapalaran sa hinaharap o tinatawag sa katagang ingles na soothsayer, oracles (orakulo) o clairvoyant.
Bagaman alam ng karamihan na tutol ang simbahan at iba pang relihiyon sa ganitong mga hakbang ay hindi maaaring pigilin ang marami sa tao dahil sa una umaasa silang sa kahit ganitong paraan ay malalaman nila ng mas maaga kung meron nga bang naghihintay na magandang kapalaran sa kanila.
Mahirap ding itanggi ang katotohanan na merong iba na para magkapera ay puro magagandang salita ang maririnig mo habang binabasa ang umanoy kapalaran mo sa buhay at pinaaasa ang sinuman na ang mga pangarap ay magkakaroon ng katuparan.
Ang masaklap noon kapag hindi natupad ang mga sinabi ay saka siya babalikan ng taong umasa sa magandang kapalaran at sasabihan siyang huwad o fake na maaari pang humantong sa pananakit.Ang nais ko lang linawin tungkol sa paksang ito, ang mga tunay na psychic at ang mga nag-aral sa astrolohiya paniwalaan man natin sa hindi ang kanilang angking abilidad ay meron talagang kakayanan na silipin ang kapalaran ng isang tao sa mga darating na araw, linggo, buwan o taon sa buhay nito dahil sa pagiging sensitibo nito sa mga enerhiya (vibrations) at kunin ang mga impormasyon sa kabilang dimensiyon o akashic records o sa paniniwalang Kristiyaho na Book of Life.