Wednesday, December 14, 2005

Kulam, Hula, at Kaluluwa ng Patay

Kulam, Hula, at Kaluluwa ng Patay
Rey T. Sibayan
December 14, 2005

Nais kong sagutin sa artikulo kong ito ang mga tanong sa akin ng mga kababayan nating tumatangkilik sa ating abang kolum tungkol sa kababalaghan at iba pang dapat na malaman tungkol sa paranormal.

Tanong ni Evangeline Ariola ng Quezon City. Nabasa ko po ang kolum niyo Mr. Sibayan. Magtanong lang ho ako kung naniniwala ba kayo sa kulam kasi may mga pinuntahan na ako mga manggagamot. Totoo ho kaya ang kulam? Kinulam daw ako pero bakit di ako makatapat ng manggagamot pabalik balik ang nararamdaman ko.

Sagot: Sa aking kaalaman, ang kulam ay nagkakaroon ng epekto sa mga taong merong mahinang enerhiya sa katawan. Hindi naman nangangahulugan na ang taong tinamaan nito ay mahina ang kanyang pananampalataya sa Diyos. May mga pagkakataon kasi na ang enerhiyang bumabalot sa ating katawan ay napakanipis. Ito ang mga pagkakataon na maaaring samantalahin ng sinuman o maaari din namang di sinasadya na nagbigay sayo ng negatibong enerhiya na maaaring magresulta sa karamdaman.

Ngunit bago ka humantong sa paniniwalang ikaw ay nakulam ay mangyaring komunsulta ka muna sa duktor dahil karaniwan sa isang tao kapag naniniwala tungkol sa kulam maging ang sakit na kumapit sa normal na proseso ay itinuturing nating resulta ng pangkukulam.

Ang kulam ay maaaring magresulta ng sakit sa isang tao depende sa kakayanan ng pag-iisip ng gumawa nito. Karaniwan ang kulam at sumpa ay halos hindi magkaiba dahil sa ito ay ginagawa ng isang tao na merong malakas na galit o hinanakit sa dibdib.

Kaya nga palagi kong sinasabi sa sinuman, marunong man o hindi sa pangkukulam na wag kang magsasalita ng masama sa kapwa lalu na kapag may kahalong masamang loob dahil sa may mga pagkakataon na nagkakatotoo kung ano ang gusto mong mangyari sa isang taong kagalit mo.

Ang taimtim na pagdarasal nang walang pag-aalinlangan ay maituturing na mabisang panlaban sa kulam o sumpa. Ang meditasyon tulad ng white light meditation ay subok ko nang mabisang panlaban dyan dahil sa ang liwanag na magmumula sa kalangitan ay merong healing energy o enerhiyang nakagagamot, at nagsisilbi din itong proteksiyon.

Mangyari lamang na mag-relaks sa pamamagitan ng malalim at dahan-dahang paghinga at isaisip na merong napakaputing liwanag sa itaas mula sa kalangitan na babagsak at tatama sa inyong bumbunan pababa at dadaloy sa buo ninyong katawan para maalis ang negatibong enerhiya na maaaring kumapit sa inyong katawan.

Hindi ako pabor sa uri ng panggagamot ng ilan dyan na maging ang kanilang ginagamot ay sinasaktan o pinahihirapan para lamang komprontahin kung sino ang taong gumawa ng masama sa kapwa. Maaari namang kausapin kung sino ang gumawa at alamin kung ano problema at lutasin yun sa mas mapayapang paraan.

May nagtanong din sa akin kung naniniwala ako sa hula o fortune telling? Ang aking sagot kahit sino sa atin ay may kakayanan na makita ang maaaring mangyari sa hinaharap ngunit depende ito sa taong makakakita. Ayaw kong tawagin itong manghuhula dahil sa ang nakita ng isang taong sensitibo ay hindi isang panghuhula kundi ay posibleng mangyari sa hinaharap. Mas nanaisin ko pang tawagin ito na “pagbabasa” o psychic reading. Ang Psychic reading ay hindi dapat na nakatuon sa maaaring mangyari sa buhay ng isang tao, kundi dapat may kaakibat itong payo sa tao kung ano ang dapat nyang gawin. Bagaman, ang mga psychic ay kayang basahin ang isang tao sa pamamagitan ng tingin sa mukha, paghawak sa kamay, gumagamit pa rin ang mga ito ng mga bagay tulad ng tarot cards, bolang kristal, astrology, numerology at iba pa para mas tumpak at detalyado ang kanilang pagbabasa.

Isang tanong naman ang ipinadala sa akin ng taga-Ilocos Region tungkol sa isang mensahe sa text na humihiling sa kanya na dalawin naman siya sa kanyang bahay. Ngunit sa bandang huli, ang taong nagpadala ng mensahe sa text ay dalawang araw na palang naka-burol sa kanilang bahay.

Nangyayari na ito ngayon sa mga panahong ito, at ito ay napatunayan ko mismo nang mamatay sa isang aksidente ang aking bayaw. Nagawa pang makapag-text sa katulong ang aking bayaw ilang oras na ang lumipas bago nalaman na ito ay patay na.

Mahirap man paniwalaan ngunit merong kakayanan ang mga kaluluwa o multo na gamitina ang mga modernong kagamitan ngayon tulad ng cellphone para iparating sa kanilang mga mahal sa buhay o mga kaibigan kung ano ang mensahe na dapat nilang sabihin.

Kung noon ay karaniwang nakikipag-ugnayan ang mga multo sa pamamagitan ng panaginip, ngayon ay maituturing na rin silang high tech dahil sa maaari na silang maghayag ng mensahe sa cellphone, at may mga pagkakataon na sila ay naririnig sa radyo at nakikita sa patay na telebisyon.

Ilan lamang po yan sa mga katanungan sa inyong lingkod na sa abot kaya ng aking kaalaman ay aking sinagot. Bukas naman po ako sa inyong mga suhestyun o katanungan, mangyaring mag-text sa 09206316528/09167931451. mag-email sa misteryolohika@gmail.com, at maaari din po ninyong tignan ang aking website: http://misteryolohika.tripod.com. #





12 Comments:

Blogger mataripis said...

magandang araw mga kababayan.bilang isa tao na nanirahan sa mga pook na may kaalaman sa kulam,masasabi kong tunay na may kulam sa pilipinas at sa alin mang bansa.bilang paglilinaw ang salitang kulam ay maiuugnay natin sa salitang kulang!kulang sa kasakdalan ng katwan,kaluluwa at diwa.dahil ang mga tao ay nakakalimut na sa banal na Dios, marami ang nagkukulang kung kaya madaling talaban ng kulam!Ang bawat tao ay nilikha ng maykapal na may kasakdalan,subalit dahil nagkasala nga, ito ay nagkulang at ang kakulangang ito napupunuan lamang sa pamamagitan ng Anak ng Dios(yesu/jesus/yeshuwa)sa madaling sabi ang tunay na pananampalataya sa Dios sa ngalan ni jesus ang magliligtas sa bawat tao at maging sa kulam!!! o mga kababayan ,ibabahagi ko sa inyo ang salitang sinauna na nagtataboy ng anumang sakuna basta may pananalig ka sa banal na DIOS! sauluhin ito =gabeyen nok mo ih makedepat a yehshuwa de pesan a panahon! eye a Mekedepat!(bigkasin ito bago lumabas sa tahanan o magtungo sa dadayuhing pook-magandang araw sa ating lahat! masampat a bi abi de ketam mapesan!

11:05 PM  
Blogger mataripis said...

Ang kulam sa aking palagay ay nahahati sa tatlo ayon sa antas ng itim na majika nito. una ay ang paraya, ikalawa ay ang kulam at ang ikatlo ay ang barang.sa banal na kasulatan ito ang tinawag na panggagaway.ang kabanalan ng pananalig sa banal na Dios ang nagpapawi ng bisa ng kulam!Sa kabikulan at kabisayaan ,ang kulam ay ginagawang hanapbuhay ng mga nagsasagawa nito,sa kabatiran ng lahat kapag marami nang nabiktima ang mangkukulam ay lalong lumalakas ang bisa ng malademonyong gawain na ito.maiiugnay din natin ito sa pang aaswang at sa mga taong inggitero na nais pabagsakin ang kaalit nila sa mga lupain o ibang ari arian at maging sa kalaguyo sa buhay.Ang kabanalan na nagmumula sa panalangin sa banal na Dios ang magpapalaya sa sinumang tao sa kamay ng mangkukulam!

11:16 PM  
Blogger alred001 said...

magandang araw sa inyong lahat! ako rin ay may alam tongkol sa kulam o wicthcraft semple lang ang panlaban nito ay ang malakas na paniniwala ng dios magdasal araw araw o maganda sa alas quatro ng umaga hanggang alas syete na umaga! umingi ka ng tawad sa panginoon at magpasalamat at battle! salamat i hope sundin nyo

5:07 PM  
Blogger oakleyses said...

burberry handbags, oakley sunglasses, longchamp outlet, tiffany jewelry, nike free, michael kors outlet, longchamp outlet, uggs on sale, louis vuitton outlet, louis vuitton, tiffany and co, nike outlet, michael kors outlet, ray ban sunglasses, christian louboutin, michael kors outlet online, nike air max, uggs outlet, prada handbags, michael kors outlet store, christian louboutin outlet, nike air max, gucci handbags, replica watches, michael kors outlet online, ugg boots, jordan shoes, oakley sunglasses wholesale, ray ban sunglasses, replica watches, louis vuitton, burberry outlet, ugg boots, uggs outlet, louis vuitton outlet, michael kors outlet online, oakley sunglasses, christian louboutin shoes, polo ralph lauren outlet online, longchamp outlet, tory burch outlet, polo outlet, louis vuitton outlet, prada outlet, christian louboutin uk

5:35 PM  
Blogger oakleyses said...

nike roshe, true religion outlet, longchamp pas cher, sac hermes, true religion outlet, jordan pas cher, polo ralph lauren, true religion jeans, ray ban pas cher, sac vanessa bruno, nike air force, true religion outlet, michael kors, louboutin pas cher, hollister uk, hogan outlet, north face uk, nike blazer pas cher, lululemon canada, coach outlet store online, chanel handbags, timberland pas cher, sac longchamp pas cher, nike free run, kate spade, north face, michael kors pas cher, polo lacoste, michael kors, kate spade outlet, guess pas cher, converse pas cher, new balance, nike tn, coach purses, michael kors outlet, coach outlet, nike air max, hollister pas cher, oakley pas cher, burberry pas cher, air max, coach outlet, vans pas cher, ray ban uk

5:42 PM  
Blogger oakleyses said...

links of london, louis vuitton, ugg, louboutin, iphone 6 cases, hollister, lancel, hollister, converse outlet, marc jacobs, ugg uk, swarovski crystal, replica watches, pandora uk, montre pas cher, michael kors handbags, juicy couture outlet, louis vuitton, vans, michael kors outlet online, louis vuitton, swarovski, karen millen uk, toms shoes, oakley, ugg pas cher, pandora charms, pandora jewelry, gucci, doke gabbana, timberland boots, ralph lauren, louis vuitton, ray ban, coach outlet, nike air max, converse, ugg,uggs,uggs canada, louis vuitton, juicy couture outlet, supra shoes, ugg,ugg australia,ugg italia, pandora jewelry, michael kors outlet, thomas sabo, wedding dresses

6:08 PM  
Blogger Unknown said...

2015-09-29 zhengjx
oakley sunglasses,oakley vault,prescription sunglasses,polarized sunglasses,aviator sunglasses,spy sunglasses,oakleys,oakley canada,cheap oakley sunglasses,oakley frogskins,oakley holbrook,cheap sunglasses,wayfarer sunglasses,oakley standard issue,fake oakleys,oakley glasses,oakley.com,oakley prescription glasses,oakley goggles,sunglasses for men,oakley gascan,oakley store,oakleys sunglasses
Michael Kors Outlet USA Store
Coach Factory Outlet Official Website
louis vuitton
michael kors outlet
Up to 70% Off Louis Vuitton Outlet
coach factory outlet
Coach Factory Outlet Discount Online
ralph lauren
timberland boots
Michael Kors Outlet Online Sale Free Shipping
Air Jordan 4 Retro Free Shipping
nike air max
ugg australia
Coach Factory Outlet Handbags 70% OFF
ugg boots
ugg boots
coach outlet
michael kors outlet
cheap nfl jerseys
ray-ban sunglasses
canada goose
coach factory outlet
Abercrombie And Fitch Clothing Outlet at New York
Oakley Sunglasses Official Website Cheap Off
ugg boots
Louis Vuitton Outlet 100% Authentic
Louis Vuitton Outlet Store Locations
Ray Ban Sunglasses Outlet Store Online
Abercrombie & Fitch Clothing With Big Discount

9:54 PM  
Blogger Unknown said...

yeezy boost 350
new england patriots jersey
adidas stan smith
michael kors handbags
timberland boots
links of london sale
gucci belt
adidas online shop
kobe shoes
cheap jordans

6:19 PM  
Blogger Unknown said...

patriots jerseys
lebron 14
james harden shoes
asics running shoes
michael kors handbags
basketball shoes
air max 90
kyrie 3
adidas yeezy
air max 95

12:23 AM  
Blogger love said...

zzzzz2018.7.24
ed hardy clothing
ralph lauren outlet
ugg boots clearance
off white clothing
fitflops sale clearance
ugg boots on sale 70% off
nike huarache femme
uggs outlet
uggs outlet
golden goose

11:46 PM  
Blogger qqqqqq said...

0821jejeair jordan 5 doernbecher ebay Ils avaient l'intention air jordan 3.5 homme que les routines d'échauffement aient leur retour sur investissement. Les fers Air Jordan Eclipse soldes sont de très bonne qualité. La plupart des nike air max classic bw noir femme magasins font maintenant des achats coûteux ou en volume asics gel lyte 3 femme fluo abordables via l'achat maintenant payer des vêtements air jordan 5 green bean plus tard, où les consommateurs peuvent obtenir eux-mêmes des air jordan pas cher montreal vêtements urbains de leur lien sur des conditions de paiement adidas zx flux noire et or flexibles.

1:14 AM  
Blogger Unknown said...

Maaari ko bang malaman ang tunay na ngyari sa pagkawala at pagkamatay ng aking kaibigan

8:47 PM  

Post a Comment

<< Home