Dahil sa lumaganap na pagpapakita ng mga UFO at mga Ekstra-Terestriyal sa ibat-ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas ay lalu pang pinag-ibayo ngayon ang kampanya ng mga eksperto na bigyan ng pansin at hindi lamang basta ipagwalang bahala ang ganitong mga kaganapan.
Hindi ba’t kamakailan lamang nitong Setyembre hanggang ngayong Oktubre ay nagkaroon ng UFO sightings sa Caliraya, Laguna, at sinundan pa ito ng pagpapakita ng mga UFO sa karatig nating bansang Korea at Thailand, gayundin sa mga bansang Mexico, Puerto Rico, Idaho, Peru maging sa England.
Ang ganitong mga UFO sighting ang dahilan kung bakit naisip ng mga mananaliksik na magdaos ng kauna-unahang International UFO Symposium sa bansang Italya.
Ang naturang pagtitipon ay pangungunahan ng Italian National UFO Center sa timugang bayan ng Cosenza, lalawigan ng Calabria, Italy at inaasahang tatalakayin dito kung anong mga sibilisasyon ng ETs ang dumadalaw o narito na sa ating planeta.
Maging sa England ay nakatutok naman ang mga eksperto sa posibilidad na narito sa ating daigdig ang mga alien o ET at ito ay kanilang isinagawa sa pamamagitan ng exhibition sa Science Museum na pinamagatang “the science of aliens.”
Ang naturang pagtitipon ay isinagawa sa mas lohikal na pamamaraan para matiyak na tumpak ang sagot sa katanungan: “Kung tayo lang bang mga tao ang nag-iisang nilalang sa buong kalawakan?.”
Iginiit naman ni Chris Bond sa katatapos na Great British UFO Show na mas marami pang dapat na malaman sa naturang misteryo ng UFO sightings at ET contacts kesa sa nakikita lamang ng ating sariling mga mata.
Sa Cambridge, Massachusetts, pursigido naman si Harvard psychologist Susan Clancy na malaman kung totoong merong mga ETs nang makapanayam nito ang may limampu katao na nagsabing sila ay dinukot ng mga alien o mga biktima ng tinatawag na alien abductions.
Sa Jefferson, Texas naman, sa Estados Unidos pa rin ay idinaos naman ang 5th Annual Texas Bigfoot Conference. Ang Big Foot ay itinuturing na isang uri ng ET bagaman ang iba ay naniniwala na ito ay isang kauri ng mga unggoy o urang-utang.
Pursigido naman ang mga eksperto sa pangununa ni Loren Coleman sa idinaos na Cryptozoology Symposium sa Lewiston, Maine, para maglaan ng isang milyung dolyar sa sinumang makahuli o magsumbong sa kinauukulan para mahuli ng buhay ang Big foot, Yeti, Lake Monster, sea serpent at iba pang kakaibang nilalang na itinuturing ng iba na mga ET.
Sa East Texas, ay isinagawa ang isang symposium sa Bates College Cryptozoology Symposium para ma-engganyo ang kanilang mga kababayan na manghuli ng Bigfoot, Yeti, at Lake monster.
Ang big foot, yeti at lake monster ay maituturing na mga ET sa klasipikaysong Sasquatch, ngunit bigla na lamang sumusulpot saanmang panig ng ating planeta, malay nito magulat na lang tayo isang araw na nandyan na sila sa ating bakuran sa ating tabi.
Sa Dallas, Texas, isa ring seminar tungkol sa mga nilalang na ito ang tinalakay at naging kapansin pansin ang pagdami ng taong dumalo dito palatandaan na matindi ang interes tungkol dito ng mamamayan sa ibat-ibang bansa.
Maging ang misteryo ng Crop Circle ay hindi rin pinalalagpas ng mga eksperto sa mga panahong ito para lamang matiyak kung ano at kung sinong nilalang ang nasa likod nito at ano ang dahilan kung bakit patuloy silang nagpapakita sa ibat-ibang panig ng ating planerta.
Sa serye ng seminar, nagkasundo sina crop circle at alien contacts Janet Ossebaard at Mary Rodwell ng Australya na magtulung tulong para imulat ang mga tao na narito na ang mga ET at patunay na nga rito ang pagkakaroon ng ng crop circle saanmang panig ng mundo.
Samantala, hindi naman pahuhuli ang mga taga-Mexico nang buksan nila sa publiko ang Roswell Exhibit na magtatagal hanggang Oktubre 31.
Layunin nito na sariwain sa isipan ng mamamayan hindi lamang sa Mexico kundi sa buong mundo na talagang may bumagsak na UFO noong July 4, 1947 na unang inamin ng pamahalaang ng US na ito nga ay sasakyang pangkalawakan ng mga ET, ngunit sa bandang huli ay binawi ng mga eksperto sa pagsasabing ito ay isang uri ng weather balloon.
Sinulat ko ito sa aking kolum ngayon para sabihin sa ating mga kababayan na panahon na para magising tayo sa katotohanan na may nangyayari ngang kakaiba sa ating kapaligiran sa kabila ng samut-sari nating problemang pampulitika, at ekonomiya.
Para sa inyong mga suhestyun, katanungan, at kung meron kayong nais na idulog sa aking problema, mag-text sa 09167931451 o mag-email sa paranormalrey@gmail.com. #
|