Monday, February 26, 2007

Hinagpis ng Ina na Naulila ng Anak

Nais kong ibahagi sa inyo ang hinagpis ng isang ginang na naulila ng isang mapagmahal at talentadong anak na kung hindi sana sa isang insidente ng holdap ay buhay pa ito sa ngayon. May mga katanungan din ang naulilang ginang tungkol sa misteryo ng bilang na 11.

Narito ang ipinadalang e-mail sa akin ni Ginang Nanette Bernardo ng San Andres, Maynila at sinadya kong wag baguhin ang mga ginamit niyang salita at estilo ng pagsulat maging ang aking naging katugunan.

Dear Mr Rey Sibayan,

Ako po si Gng. Nanette Bernardo,51 yrs old. Ang aking anak na si Jose Leandro, Lee sa mga kaibigan ay napatay ng hold upper sa G. del Pilar St. sa may San Andress sa parte ng Arellano.Sya ay binaril sa puso at namatay noong 01-11 @11pm. Dinala sya sa Loyola sa Marikina sa chapel 1 sya nalagay at na creamate ng 1pm noong jan 12. sa isang picture nyang ibinigay ng mga kaibigan at nilagay sa tabi ng urn, ay may hawak syang cake na may 1 candle at yung isa naman ay nakaturo sya pataas ng isang daliri. Ang birthday nya po ay 12-08. 1+2+8 = 11. Ang matindi po nito on the night before he died, meron syang post sa blog nya sa website nya at un ang last log in nya 01-10 @1:01am. He posted the Let It Go article.

Napakasakit po ng mawalan ng anak na 26 yrs old, papunta sa kanyang success. Sya ay hinold up sa tabi ng bahay nya at sa tapat ng barangay office /house ng barangay captain , na lasing at tulog ng gabing yun at di nag lalagay ng mga tanod sa area na yun. Si Lee ay isang graphic artist,mountaineer, video editor at creative artist .

Ano po kaya ang kahulugan ng mga 1 na yun matapos syang mapatay?Ang tangi ko pong nakita sa kanya ay ng umalis syang malamlam ang mga mata. Nandito pa din kaya sya sa lupa?Ng sya po ay iburol nagulat kami sa dmai ng kanyang kaibigan at nag mamahal s akanyang iba ibang edad,klase ng tao. Nag iwan po sya ng magandang memories for us to live by and to cherish and treasure.Makikita po ninyo sa website nya www.bubuekak.multiply.com

sana po ay di maging hadlang sa inyo ang aking pag sulat. til now po walang linaw ang kung sino ba ang kriminal na pumatay sa aking anak.Paano ko kaya maiibsan ang sobrang sakit na nararamdaman ng isang inang namatayan ng anak?

salamat po s ainyo at sana ay matugunan ninyo ako sa email ko.
mrs. nanette bernardo

Narito naman ang orihinal na naging katugunan ko sa e-mail ni Ginang Bernardo:

Ma'am,

Thanks for your trust and you told me the details about your son. My condolences po sa inyo and to your family. First, the only way to get rid of the pain is to release him meaning accept everything about him esp his fate. Of course ma'am, it's hard to accept of losing a loving and talented son like him but we can't changed it.....his life in this lifetime has ended. If he visits you in your dreams, try to ask him if he's ok now.....and listen to him also. If you see him smiling, then i think better to let him go....but if he's sad, you must let him go also, because ayaw niyang ma-focus lang ang life niyo sa kanya. He's just on the other side. For him i think he forgive the person who killed him because he accepted the destiny. Secondly, the 11 phenomenon I admit I'm also connected to that mystical combination of numbers. In fact, everytime I check my time it's always in that digits of 1, 11, 01, etc but now It changed to 12-12; 17-17; 15-15...and i could see a pattern of repitition. For me that phenomenon is a sign of evolving into another state of consciousness esp spiritual. Your son is into that path but unfortunately it was pre-empted in the physical because of destiny. I know he would continue that journey on the other side. To people or person, who killed him, i would suggest you must forgive him and let the Law of Cause and Effect (the law of karma) to take its course for him. Just pray for the soul of your son and give smile to him, love him and tell him, wherever he's now you know he's happy with the angels and higher beings in the afterlife. I know he still doing his part for human evolution and spiritual enlightenment, and he can do more on the other side that trapped in the physical body. Always believe GOD's plan has special purpose to us individually and collectively.

Smile Life is Beautiful
RS

Muling lumiham sa akin si Ginang Bernardo at ito ang sumunod niyang e-mail:

Dear Mr Rey Sibayan,Maraming salamat sa pag tugon nyo sa aking sulat. I have decided to move out of our place and change our environment to be able to ease the pains we are going through. Yes, I have forgiven the people responsible for my son's death for I know God knows what to do and I have accepted my son's fate. Thy will be done, but my motherly heart sometimes tells me to keep on hurting and the pain is devastating indeed. I read a lot of books and articles about life after death . The best was when 2 of my daughters told me they have dreamed of their kuya playing with them , saying its very very nice there. Naka bihis pa nga daw ng maganda si Lee at tinanong ng isa why he is dressed that way na nakapustura and he somehow replied na oo, kahit ano gusto mo isuot pwede d2.And he was saying na kumusta daw kami at nadidinig din nya prayers namin for him. The other daughter told me na her kuya was saying to be very careful , to close the windows and doors bec there are so many strangers outside the house who wants to get it.My dreams of my son is always seeing him in blank face walang emotion nakatingin lang sa akin, but one time may suot syang very bright na damit.I like to dream of him again with happy face.I also would like to share to you this. After a week of my son's death, my bayaw also died. My sister was holding him when she saw a smoke like element leaving the body of her husband. She said she lifted the body of her husband and it moved again somehow. So she brought him to a hospital still panthing. Til he died. I have read in a book, then our soul or spirit leaves the body even before the body stopped breathing. So in traumatic cases like my son's or an accident, kahit na gumagalaw pa ang body at nag hahabol ng pag hinga umaalis na daw ang kaluluwa nito para hindi makaranas ng too much pain ang katawan. When i read this and when my sister told me her true story, I was somehow relieved sa nagpapahirap ng loob ko , na nasaktan ang anak ko ng sya ay barilin ng kriminal.Of course , I have to believe , otherwise ako naman ang mag durusa.Maraming salamat sa iyo ,Rey,
nanette bernardo

Minabuti kong ibahagi sa inyo ang liham ni Ginang Bernardo para ilahad sa inyo ang katotohanan na nangyayari ang ganitong kababalaghan sa buhay natin bilang nilalang sa mundong ito Para sa inyong mga katanungan at suhestyun, mangyaring mag-email sa misteryolohika@gmail.com; bisitahin ang aking website: http://misteryolohika.tripod.com, at makinig sa aking programa tuwing Sabado, 5:30-6 ng gabi sa himpilang DZRH. #

Monday, February 19, 2007

Mensahe ng mga ET at Panaginip

Bagaman abala tayo sa pang-araw araw nating buhay at sa mga ibat-ibang isyu sa ating kapaligiran lalu na ng pulitika, marami pa rin sa ating mga kababayan ang patuloy na nakakaranas ng mga kababalaghan na hindi kayang ipaliwanag ng lohikang kaisipan.

Kabilang sa mga karanasang ito ay ang pagpapakita ng mga UFO at Ekstra-Terestriyal sa tao na bagaman pilit na ipinagwawalang bahala ng mga nasa gobyerno ay siya namang patuloy na manipestasyon sa ating buhay.

Tulad ng naging karanasan ng mga kababayan natin mula sa Bulacan at Valenzuela City.

* May ng Valenzuela City: Year 1993 ng magkaroon ako ng kaugnyan tungkol sa alien e.t. at dumating yung araw na nakarating din ako sa kanilang place to the another planet,mga kawangis din ntin sila--mga humanoids sila kung tawgin,ang kaibahan nga lang ntin sa kanila, nakakausap nila ang dakilang lumalang sa atin o ang tinatawag nating Diyos na lumalang sa lahat. Isang malakas na paglindol ang mangyayari sa buong mundo na ubod ng lakas. Lahat ng masama ay masasawi, magkakaroon muli ng bagong mundo sa pagwasak ng mundo lahat sila (ET) ay lalantad. Pagdating ng panahon pag ang mundo ay nilinis ng Poong Maykapal o I mean pipiliin na ang mabuti at masama, sila (ET) ang tutulong para ang mga mabuti ay maligtas. Hindi pa huli ang lahat para magpakabuti na dapat ang lahat ng tao upang makamit natin ang tagumpay at gantimpala ng Poong Maykapal at masilayan natin ang bagong mundo with ET. Sa pamamagitan niyo ay maipaalam sa mga tao ang katotohanan at ito na yung takdang panahon na sinasabi nila.

* Ging-ging ng Bulacan: May karanasan ho ako sa UFO mga ilang taon na din ang lumipas. Minsan isang gabi ay namataan ako na UFO na ang lopad niya ay mataas lang ng konti sa puno ng niyog dati sa tapat ng bahay namin. Bilog siya na parang plato at marami siyang pulang ilaw sa paligid. Ang kahanga hanga wala siyang kaingay-ingay sa papawirin sa paglipad at pagtala niya na kung ikukumpara sa helicopter at eroplano na kapag mababa ang lipad dapat sana ay napakaingay na niya. Yung UFO ay tahimik lang at nang ilang Segundo sa ere ay bilang tumalilis siya ng lipad sa isang saglit lang eh naglaho na siya sa kanyang kinalulugaran na parang isang bulang naglaho. Ito po ang aking karanasan sa nakita kong UFO malapit lang ho dito sa bahay naming na di ko malilimutan ang hitsura. Pagkuwento ko po sa inyo ay kinikilabutan pa din ako kasi dun lang ako nakakita ng ganung klaseng bagay.

* Milo Pascual: Mr Sibayan nais ko lang ipaalam sa iyo na kaisa mo ako sa paniniwala na may iba pang nilalang bukod sa ating mga tao


* RS: Ang mga karanasan nina May at Gingging ay palatandaan na ang mga nilalang na ito na hindi lantaran kung magpakita sa tao ay nagaganap anumang oras o saanman. Ngunit ang mahalaga sa ganitong mga karanasan ay kung ano ang mensahe na nais nilang ipaabot sa tao. Tulad na lamang ng mensaheng nasagap ni May na kailangang magbago na ang lahat ng tao at isipin ang ikabubuti hindi lamang ng sarili kundi ng buong sangkatauhan. Kamakailan lang ay sinabihan din ako ng isa naming kasamahan sa Eye in the Sky ng DZRH, nang magpakita kay Gerald Jambora ang kakaibang sasakyang pangkalawakan sa Antipolo City. Ayon kay Jambora ang mga nakita niyang makulay na ilaw na pabilog ay mas matingkad ang kulay pula na may halong asul.

* Myda ng Baliuag, Bulacan: Lagi po akong nagbabasa ng inyong segment sa BALITA. Ask ko lng po kung ano ibig ipahiwatig ng panaginip ko na eroplanong bumabagsak. Madalas po ito. Balak ko po sanang mgtrabaho sa ibang bansa. Sana po masagot nyo po para mlinawan po ako kung tutuloy pa ako. Thanks

* RS: Ang panaginip tulad ng mga nauna ko nang sinabi ay karaniwang simboliko ngunit may mga pagkakataon na maaaring ito ay babala sa hinaharap. Sa panaginip ni Myda ito ay isang babala na maaaring hindi mo maabot ang iyong hinahangad sa ngayon ngunit wag mawalang na pag-asa dahil sa ang taong matiyaga at masipag na may positibong kaisipan ay maaari pa ring matupad ang mga pangarap.

* Sugar ng Siniloan, Laguna: Tanong ko lang po kung ano dapat ko gawin para mabuksan ang third eye?

* RS: Hindi basta-basta ang pagbubukas ng third eye at lalung hindi ito gawang biro lamang dahil sa malaki ang responsibilidad mo kung gusto mong mabuksan ito. Tulad ng sinabi ni Master Del Pei sa aming seminar nitong nakalipas na buwan ay kung nakakakita ka ng mga espiritu ay hindi nangangahulugan na bukas na iyong third eye dahil sa ang ikatlong matang ito ng ating sangkatauhan ay isang mekanismo para makumpleto ang kuneksiyon natin sa Poong Maykapal.

May nagtanong din sa akin na minsan may kuryente sa kanyang katawan na kapag hinawakan ng isang tao ay napapaigtad sa lakas ng kuryente. Ito ay ang enerhiya na bumabalot sa ating katawan na kaya napapaigtad ka o sinuman ang humawak sayo dahil sa sobra ang enerhiyang iyon. At ang enerhiyang ito kapag nagawa nating kontrolin ay may kakayanan na pagalawin o pasabugin ang isang bagay sa tulong ng ating isip.

Para sa inyong mga katanungan, mag-email sa misteryolohika@gmail.com. Bisitahin ang aking website http://misteryolohika.tripod.com. Makinig sa programang misteryo tuwing sabado, alas-5:30 hanggang alas-6 ng gabi sa dzrh.#

Monday, February 12, 2007

Buwan Napatunayang May Epekto sa Tao

Pagkalipas ng napakahabang panahon na sarado ang kaisipan o kaya ay matindi ang debate ng mga siyentista tungkol sa paniniwalang may kuneksiyon sa katauhan ng tao ang buwan, ngayon ay idineklara ng mga eksperto ng siyensiya na meron ngang kuneksiyon.

Batay sa pinakahuling pananaliksik ng mga siyentista, ang ating buwan ay hindi lamang nakakaapekto sa paglalim at pagkati ng karagatan kundi maging sa pag-uugali at ikinikilos ng mga tao.

Ang matindi pa nito, ay natuklasan din na malaki ang epekto ng buwan sa kundisyong pangkalusugan ng tao.

Kaakibat ng bagong pananaliksik ng mga siyentista ay ang ginawang pag-aaral sa 50 iba pang naunang pag-aaral ng mga eksperto at lumabas sa kanilang konklusyon na maging ang mga duktor at mga pulis ay kailangang maghanda sa anumang mga pagbabago sa kanilang trabaho sa ibat-ibang anggulo ng lunar cycle.

Ayon sa mga eksperto mula sa Leeds University, sa ginawang pag-aaral sa mga taong may gout problem o pananakit ng mga kasu-kasuhan sanhi ng mataas na uric acid, matindi ang atake nito tuwing kabilugan ng buwan at ito ay mapatutunayan sa maraming konsultasyon na idinudulog tungkol dito sa mga duktor. Nabatid na tumaas ang appointments para sa gout problem consultations ng 3.6 percent

Lumabas din sa 22 taong pag-aaral na ginawa ng mga eksperto ng Slovak Institute of Preventive and Clincal Medicine sa Bratislava, matindi ang atake ng gout at asthma kapag sumasapit ang new moon at full moons.

Batay sa mga data sa 140-libong births o panganganak sa New York City, nakita ang tinatawag na systematic variations sa panganganak sa loob ng 29.53 days – ito ang panahon ng tinatawag na lunar cycle, kung saan ang peak fertility sa last quarter.

Malaki rin ang epekto ng buwan sa nangyayaring krimen sa ating kapaligiran, sa ginawang pag-aaral sa Florida, mas matitindi ang mga nangyayaring krimen tulad ng pagpatay at iba pang assault kapag full moon. Ganito rin ang lunabas sa isa pang pag-aaral.





Maging ang mga aksidente sa kalsada ay mas marami dalawang araw bago ang full moon batay sa apat na taon na pag-aaral, bagaman mas mababa ang bilang sa tinatawag na full moon day. Mas marami ang aksidente sa tinatawag na waxing o yung nabubuo ang buwan kesa sa waning o ang unti unting pagkawala ng buwan.

Lumabas din sa isa pang pag-aaral na sa 800 pasyente na dinala sa ospital dahil sa urinary retention o kahirapang umihi sa loob ng tatlong taon, ay natuklasang mataas ang sumpong nito habang new moon o walang buwan sa kalangitan kung ihahambing sa iba pang antas ng lunar cycle.

Sa isa pang pag-aaral na ginawa ng mga eksperto sa Georgia State University, apektado rin ng lunar cycle o siklo ng buwan ang pagkain at pag-inom ng isang tao. Sa ginawang pag-aaral sa may 694 katao, 8 porsiyento ang naging pagdami ng nakakain at 26 porsiyento na kabawasan sa pag-inom ng alak sa panahon ng kabilugan ng buwan kesa sa new moon.

Bagaman sinasabi sa mga pag-aaral na ginawa ng mga siyentista na meron ngang epekto sa tao o ikinikilos nito ang lunar cycle, hindi naman napatunayan kung bakit ganito o ganun ang epekto sa tao.

Hindi bat sinasabi ng mga eksperto batay sa mga teorya na ang buwan ay nagdudulot ng pagbabago sa ating planeta sa pamamagitan ng gravitational pull, at ngayon nga ay malaki ang epekto nito sa hormones ng tao.

Mismong si Dr. Michael Zimecki ng Polish Academy of Sciences ay nagdeklara na ang lunar cycle ay merong matinding epekto sa reproduction system ng tao, partikular na fertility, menstruatiuon at sa panganganak. Ang iba naman mga pangyayari tulad ng mga aksidente sa kalsada, krimen at pagpapakamatay ay may kaugnayan din sa siklo ng ating buwan.

Gayunman, inamin din ni Dr. Zimecki na eksaktong mekanismo ng impluwensiya ng buwan sa tao at sa mga hayop ay kailangan pang pag-aralang mabuti at tuklasin, ngunit ang anumang kaalaman tungkol sa tinatawag na biorhythm ay makatutulong ng malaki sa mga kagawad ng pulisya at praktis ng medisina.

Sa ginawa ko namang panayam kay Helen Saquin, country coordinator ni Master Del Pe, kailangan lamang na maging positibo ang ating kaisipan, emosyon at espiritwal lalu na kapag sumasapit ang full moon, dahil sa mas malakas ang enerhiya sa ganitong kalagayan ng buwan.

Kung gusto niyong matupad ang inyong pangarap sa buhay ay maaaring mag-meditasyon sa kabilugan ng buwan at buong tiwalang isaisip at damhin ang sitwasyon na dinaranas mo na ang pangarap mo at magugulat ka na lang na nandyan na ang nais mong makuha sa iyong buhay.

Para sa inyong mga katanungan at suhestyun, mag-text sa 09167931451, mag-email sa misteryolohika@gmail.com, bisitahin ang website: http://misteryolohika.tripod.com. Makinig sa programang Misteryo tuwing Sabado 5:30 hanggang 6 ng gabi sa dzRH.#




Below is the english report written by Roger Dobson regarding this article:


How the Moon rules your life

At last, scientists claim to have found a link between our satellite and human behaviour - like how it governs the size of your dinner By Roger Dobson
Published: 21 January 2007

For eons, folklore has blamed the Moon for everything from lunacy to bad luck. And, for the last few centuries, scientists have scoffed. Now, according to new research they're not so sure. The Moon may not be made of cheese, but it seems to influence a lot more down on Earth than we previously thought.

According to new research, the Moon affects not only the tides of the oceans but also people, producing a range of symptoms from flare-ups of gout to bladder problems. It may even lie behind the causes of car crashes and affect people's hormonal balances.

Having carried out new research and reviewed 50 other studies, scientists suggest that doctors and the police even need to prepare for how their work rate will increase at different points in the lunar cycle. Among the findings examined by the researchers were studies that showed GP consultations go up during a full moon, according to Leeds University. Appointments rise by 3.6 per cent, which works out at around three extra patients for each surgery. The researchers did not speculate on the nature of the moon-related problems or why they happened, but said that "it does not seem to be related to anxiety and depression".

Gout and asthma attacks peak during new and full moons, according to work carried out at the Slovak Institute of Preventive and Clinical Medicine in Bratislava, where attacks over a 22-year period were monitored.

Data from 140,000 births in New York City showed small but systematic variations in births over a period of 29.53 days - the length of the lunar cycle - with peak fertility in the last quarter. "The timing of the fertility peak in the third quarter suggests that the period of decreasing illumination immediately after the full moon may precipitate ovulation.''

A study in Florida of murders and aggravated assaults showed clusters of attacks around the full moon. A second study of three police areas found the incidence of crimes committed on full-moon days was much higher than on all other days. And a four-year study into car accidents found that the lowest number happened during the full-moon day, while the highest number was two days before the full moon. Accidents were more frequent during the waxing than the waning phase.

Another study of some 800 patients with urinary retention admitted to hospital over a period of three years found higher retention during the new moon compared with other phases of the cycle. Interestingly, patients didn't show any other daily, monthly or seasonal rhythms in their retention problems.

Even what we eat and drink is affected by the lunar cycle, according to a study at Georgia State University. Researchers looked at lunar variations in nutrient intakes and the meal patterns of 694 adults. They concluded: "A small but significant lunar rhythm of nutrient intake was observed with an 8 per cent increase in meal size and a 26 per cent decrease in alcohol intake at the time of the full moon relative to the new moon.''

While scientists have been trying to prove for some time that the Moon does exert an effect, what has not been established is why. Scientists have until now examined the theory that the Moon triggers changes through its gravitational pull. But the latest research points to an effect on people's hormones. "The lunar cycle has an impact on human reproduction, in particular fertility, menstruation and birth rate. Other events associated with human behaviour, such as traffic accidents, crimes, and suicides, appeared to be influenced by the lunar cycle,'' said Dr Michael Zimecki of the Polish Academy of Sciences.

"Although the exact mechanism of the Moon's influence on humans and animals awaits further exploration, knowledge of this kind of biorhythm may be helpful in police surveillance and medical practice,'' he said.

The researchers also found links between the lunar cycle and the likelihood of people being admitted to hospital with heart or bladder problems and with diarrhoea. The menstrual cycle, fertility, spontaneous abortions and thyroid disease were also affected. Just how the Moon could have an effect needs further research. Dr Zimecki suggests that it may be the effect of the Moon's gravity on immune systems, hormones and steroids.

He said: "At this stage of investigation, the exact mechanism of the lunar effect on the immune response is hard to explain. The prime candidates to exert regulatory function on the immune response are melatonin and steroids, whose levels are affected by the Moon cycle.

"It is suggested that melatonin and endogenous steroids [which are naturally occurring in humans] may mediate the described cyclic alterations of physiological processes.

Electromagnetic radiation and/or the gravitational pull of the Moon may trigger the release of hormones.''

Whatever the root cause of the Moon's influence over us, its hold over the imagination will endure as long as the shining sphere of rock remains in the sky.

Only 12 people have walked on the Moon: the first were Neil Armstrong and Buzz Aldrin in 1969, the last were Eugene Cernan and Harrison Schmitt in 1972. But last December, Nasa announced plans for a permanent base on the Moon in preparation for a manned mission to Mars.

Construction of the base is scheduled to take around five years, with the first voyages beginning by 2020.