Monday, November 26, 2007

Kapangyarihan ng Dasal

Bagaman marami sa atin ang naniniwala sa kapangyarihan ng panalangin o dasal, iilan lamang sa atin ang tila ayaw maniwala na ang isang kaganapan ay resulta ng taimtim na panalangin.

Maraming ibat-ibang klase ng dasal at ito ay depende sa nakagisnang relihiyon o paniniwalang-espiritwal, ngunit anupaman ang pamamaraan ng panalangin o pagdarasal, ang pinakamahalaga dito ay ang intensiyon o layunin kung para saan ang iyong taimtim na panalangin.

Karaniwan sa ating pagdarasal ay humihiling tayo ng isang bagay o isang sitwasyon na makatutulong sa ating sarili, sa ating pamilya, sa ating komunidad at sa ating bansa sa pangkalahatan.

Ngunit, batay naman sa testimonya ng maraming taong nakaranas na, mas mabuti ang pagdarasal ng pasasalamat o prayer of gratitude dahil sa ang ganitong pamamaraan ng panalangin ay isang napakapositibong dasal dahil sa hinuhubog mo na sa iyong isipan na ang lahat ng iyong kahilingan ay naganap na, nagkatotoo na at naisabuhay na sa materyal na mundo natin.

Karaniwang tanong sa akin, kung yun bang paulit-ulit na dasal tulad ng orasyon ay maituturing na mabisa o matindi ang dating dahil sa katwiran ng iba na hindi naman dapat na ulit-ulitin dahil sa pabirong baka makulitan ang Diyos ay hindi niya ipagkakaloob ang kahilingan.

Sa totoo lang, una, wag na natin isipin na parang isang tao ang Diyos na nakukulitan o nabibingi sa ating mga panalangin, hindi po natin siya maaaring ihambing sa ugali ng tao dahil sa walang hanggan ang kanyang kabaitan, pang-unawa at pagmamahal. Pangalawa, ang panalangin na paulit-ulit tulad ng orasyon (novena) ay isang paraan para mahubog na mabuti ang layunin ng dasal na iyon na nasa iyong isipan. Ang paulit-ulit na pagbigkas sa dasal ay nakapagbibigay ng matinding enerhiya o lakas para ito ay maisakatuparan.

May tanong din na yun bang dasal na nasa wikang-Latin o anupamang mahiwagang mga kataga ay mas makapangyarihan kesa sa karaniwang mga dasal ngayon na isinalin na sa ating kasalukuyang wika. Ang katwiran naman dito, mas mainam na naiintindihan mo ang dasal na binibigkas mo kesa naman sa hindi baka naman ang dasal na yun ay nakatuon na pala sa kampon ng kadiliman.

May katwiran ang isang rason na mas mainam na bigkasin ang dasal sa salitang nauunawaan natin dahil sa alam natin kung kanino at kung ano ang layunin ng panalangin na iyon.

Ngunit, subok na sa mga pamamaraang-espiritwal (pagpapalayas sa mga espiritu) maging sa mga ritwal pangrelihiyon na ang mga dasal na ang gamit ay Latin at iba pang mahiwagang kataga ay napakamakapangyarihan dahil sa ang mga ito ay ginamit na mula pa sa sinaunang panahon. Ang mga dasal na ito ay maituturing na nakapagbuo ng malakas na enerhiya sa kabilang dimensiyon dahil sa ginamit na ito ng mga sinaunang mga lider-espiritwal o relihiyon na ang iba ay talagang naiangat na sa mas matataas na antas ng espiritwal sa kabilang buhay.

Para sa inyong mga katanungan at suhestyun, mag-text sa 09167931451. Mag-email sa misteryolohika@gmail.com. Bisitahin ang aking website http://misterolohika.tripod.com at http://misteryo.multiply.com. #

Monday, November 19, 2007

Mga Ebidensiya ng Kabilang Dimensiyon

Sa kabila ng modernong panahon ngayon, unti-unti na tayong nagigising sa katotohanan na totoong merong kabilang dimensiyon dahil sa mga karanasan na noong una ay akala natin pawang resulta lamang ng malikot na imahinasyon o kaisipan ngunit yun pala ay may katotohanan.

Tulad na lamang ng pagpaparamdam at pagpapakita ng mga nilalang sa kabilang dimensiyon ay maituturing kong isang matibay na ebidensiya na kahalubilo natin sa pisikal na daigdig na ating ginagalawan ang mga nasa kabilang daigdig.

Anu-ano ba ang mga nilalang na ito na nasa kabilang dimensiyon? Kabilang sa mga nilalang na ito ay ang mga elemento (engkanto, duwende, diwata at ibapa), kaluluwa (mga sumakabilang buhay na tao), ekstra-terestriyals (humanoid, reptilian, mammalian at iba pa), at matataas na mga espiritu (anghel, santo, at iba pa).

Bagaman magkakaiba sila ng antas sa kabilang daigdig dahil depende ito sa kanilang kamalayan (consciousness), silang lahat ay merong kakayanan na makipag-ugnayan sa atin sa pisikal na daigdig.

Marami sa ating mga kababayan ang meron mga karanasan na kahulibilo natin ang mga nasa kabilang dimensiyon. Hindi ba’t may mga nabalitaan tayong ang mga sumakabilang buhay na tao ay nagagawa pang mag-text sa kanilang naulila? Ang ibang kaso naman ay nililigawan ng mga engkanto tulad ng kapre, duwende at iba pa. May kaso naman akong hinawakan na direkta siyang nakikipag-ugnayan sa mga ekstra-terestriyal sa pamamagitan ng mga mukha sa kanilang dingding, samantalang ang iba naman ay ang direktang pakikipag-ugnayan sa mga anghe at iba pang matataas na espiritu tulad ng mga santo hanggang sa Poong Lumikha ng lahat.

Narito ang ilan sa mga text ng mga kababayan natin nang talakayin ko nung Sabado ang kaso ng isang babae na araw-araw na nilang kasama sa bahay ang mga nilalang sa kabilang dimensiyon.

· Lam nyo we experience ung presence ng elementals na nakuha talaga sa celfone camera ng nephew ko. Ang itsura nila ay tumutugma sa karaniwang pinapakita sa TV na maliit, matulis na matangos ang ilong at orange ang kulay ng t-shirt.

· Ano ho bang ibig sabihin ng palagi nakakakita ng mga bungo at mga ibat ibang pigura ng mukha ng tao kahit pumunta ako ng maynila nakkita ko ang ganoon madalas mag appear sa CR at sa sahig sa dingding at sa curtina mula pa taon 2000- Gusto ko rin po mabuksan ang 3rd eye ko- ELSIE ng Sorsogon City

· Sir ray ano po b ibig sbhin ang may nagdridribol s kwarto na wla nman tao

· Na2ginip po ako na nasa lugar na puro color BLUE. No trees,people.etc pag gising ko may Blue sa hinlalaki ng paa ko. Ano ang meaning nun?-kim 14 of pampanga-

· Nakakita ako dito sa artessian well namin tabi ng poso may nakatayo nakasuot na puti bigla nawala may mga nararamdaman din ako sa bahay namin palagay ko good spirit sila kasi mabait lagi may money ako.

Sari-saring karanasan ng ating mga kababayan na pawang ebidensiya na meron talagang kabilang dimensiyon.

Kung meron kayong mga kakaibang nararamdaman sa inyong bahay at lugar na pinupuntahan, mangyaring ibahagi niyo sa inyong lingkod. Kung meron kayong mga larawan o video ng mga kababalaghan na ito ay makipag-ugnayan sa inyong lingkod mag-text sa 09209386533. Email: misteryolohika@gmail.com. Bisitahin ang aking website http://misteryolohika.tripod.com. #

Tuesday, November 13, 2007

Peke o Totoo?

Peke o totoo? Ito ang lagi nating tinatanong kapag nakakita tayo ng mga larawan at video ng mga multo o espiritu. Ngunit meron tayong laging nakakaligtaan na isipin at pagnilayang mabuti, kung ano ba ang mga mensahe na gustong iparating sa atin ng mga nasa kabilang dimensiyon.

Marami nang mga artikulo at mga dokumento tungkol sa manipestasyon ng mga nilalang sa kabilang dimensiyon ang magpapatunay na sila ay totoo, ngunit dahil sa impluwensiya ng negatibong paniniwala natin sa mga multo at espiritu ay binabalewala natin.

Nitong nakalipas na Undas o kapiyestahan ng mga Kaluluwa ay naging tampok na naman sa mga artikulo sa diyaryo at mga palabas sa telebisyon ang hiwaga ng kabilang buhay at samut-saring mga kuwento.

Bagupaman ang Undas ay nakapanayam din ako ng mga TV network at iba pang grupo tungkol sa mga kababalaghan sa mga larawan sa pagpapakita ng mga multo, pakikipag-ugnayan ng mga elemento o engkanto sa mga tao at maging ang ugnayan sa atin ng mga taga-ibang planeta na kilala sa katawagan na ekstra-terestriyal.

Ang napapansin ko lang sa mga ginawang panayam sa akin, ang laging direksiyon ng tanong ay kung totoo bang may mga multo, elemento at mga ekstraterestriyal? At ang matindi pa nito merong mga grupo na pilit na ginagawan ng paraan na pabulaanan ang mga totoong manipestasyon.

Sa aking personal na pananaw, bagaman totoong merong mga computer software na ginagamit para dayain ang mga larawan at palalabasin na merong multo o kababalaghan, mas marami pa ring mga larawan at mga video ang masasabi kong totoo at hindi dinaya ng makabagong teknolohiya.

Lalu na at may mga manipestasyon na kahit anong paraan pa ang gawin ay hindi kayang kopyahin sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya, dahil sa ang tunay na pagpapakita ng mga espiritu, multo man yan, anghel, elemento o ekstraterestriyal ay masasabi kong naiiba.

Ang nais ko lang naman na bigyan diin na kapag tayo ay pinagpakitaan ng mga nilalang na ito sa kabilang dimensiyon, personal mang nagpakita sa atin o sa pamamagitan ng larawan at video, alamin natin ang mga mensahe nila sa ating buhay.

Maaaring meron silang nais sabihin sa atin na makatutulong sa atin, o di man kaya ay sila ang nangangailangan ng tulong natin lalu na ang mga ligaw na kaluluwa na gumagala sa ating paligid.

Maaaring nais nilang sabihin na andyan lang sila sa ating tabi lalu na ang mga namayapa nating mahal sa buhay o kundi man ay nangangailangan ng mga mas eskpertong tulong para na rin sa kanilang ikatatahimik.

May mga manipestasyon na napagkakamalan nating multo ang ibang nilalang na nasa mas mataas na antas sa kabilang dimensiyon kabilang na ang mga anghel. Kung kayat sadyang napakahalaga na alamin natin kung sila ba ay kaluluwa o ibang nilalang tulad ng anghel. At yan ay mapatutunayan natin kung ano ang mensahe na maaaring nais nilang iparating sa atin.

Kung mga elemento man yan tulad ng mga engkanto (kapre, duwende, diwata at iba pa), mahalaga ring alamin natin kung ano ang nais nilang iparating sa atin maaaring mahalaga rin ang mensahe na nais nilang sabihin.

Gayundin ang mga Ekstra-Terestriyal, mahalaga ring alamin natin ang mga mensahe at hindi yung tayo ay tutunganga lamang sa isang tabi at pinapanood natin sila tulad ng mga UFO sighting.

At ang maituturing kong pinakamahalaga sa lahat na dapat nating pakinggan sa bawat segundo ng ating buhay ay – ang Poong Maykapal, ang lumikha sa lahat hindi lamang sa planetang ito, hindi lamang sa pisikal na daigdig kundi sa buong kalawakan at sa lahat ng antas ng kabilang dimensiyon o kabilang buhay.

Para sa inyong nais na ibahaging karanasan at mga katanungan, mag-text sa 09209386533, mag-email sa misteryo_lohika@yahoo.com. Bisitahin ang aking website: http://misteryolohika.tripod.com.


Monday, November 05, 2007

Mga Karanasan sa UFOs

Sa aking programang Misteryo noong Sabado (Oktubre 27, 2007) na napapakinggan tuwing Sabado sa dzRH tungkol sa pagpapakita ng mga tinawag nating UFO o Unidentified Flying Object, marami sa mga kababayan natin ang naghayag ng kanilang mga karanasan.

Ito ay patunay na maraming insidente ng pagpapakita ng mga UFO sa ating mga kababayan ngunit iilan lamang sa mga ito ang lumalantad at sinasabing sila man ay merong ganitong karanasan na karaniwan nang nagaganap sa ibang bansa.

Kung ano ang mga pangunahing dahilan at bakit marami ang ayaw magsabi ng kanilang karanasan ay sa pangambang baka sila ay bansagang baliw mo nananaginip lamang, o di man kaya ay namamalikmata lamang ang mga ito.

Ang matindi pa nito ay bihira lamang kundi man wala sa ating mga kababayan ang matiyagang nakikinig sa testimonya ng mga taong merong direktang karanasan sa mga nilalang na tinatawag nating Ekstra-Terestriyal (ET) na silang karaniwang sakay ng mga makabagong sasakyang pangkalawakan o UFO.

Tulad ng naging karanasan ni Tony Israel na nagsimula pa noong taong 2000 sampu ng kanyang mga pamilya at mga kapitbahay sa Las Pinas ay hindi maitatangging totoo dahil sa nakunan pa niya ito ng video na ang kopya ay ibinigay sa inyong lingkod.

Hindi lamang isa kundi maraming UFO ang kanilang nakita noong gabi ng Setyembre 3, 2000 na noong una ay animo’y mga bituin lamang sa kalawakan, yun pala ay mga sasakyang pangkalawakan ng mga kakaibang nilalang.

Sa takbo ng aming usapan ni Ka Tony ay dito na nahimok ang ilan nating kababayan para ibunyag din ang kanilang mga karanasan sa mga UFO.

Mrs. Evangelista ng Palawan: Noong grade 1 po ako, may nakita po akong maliit na animoy plane kulay gold na lumilipad sa ilalim ng mga niyugan.

Lyndon ng Dagupan City: May nakita rin ako na ilaw sa kalawakan na napakabilis pero walang ingay na nagdaan sa bubong ng bahay namin. ufo ba yon? dalawang beses ko ng nakita ito sa taong ito.

Nenita Pujalte ng Princesa City: Nakakita rin ako noong 1972 mga 10 ng gab i malaki bilog maliwanag lumapag sa tabi ng bundok mga 4 km away from my house tumigil ng mga 5 minutes ngunit walang sound at umalis one direction ang movement mailaw palit palit ang liwanag.

Tony: Taong 989 o 1990 nakita ko maraming ilaw sabay- sabay sila mga 20 palapag ang taas walang ingay di tulad ng eroplano.

Brenner: I too saw a ufo aboutt 3oclock in the afternoon in about 2001. Its about one km above our house, saucer type and its multi colored belly was rotating. It was stationary and very long.

Buat Mangambit ng Pagalungan, Maguindanao: Nakakita ako ng parang ilaw ng eroplano sa madaling araw, pero walang andar (ingay, tunog) napakababa ang lipad, ano kaya yun.

Kung sa akala po ninyo ay may karanasan kayo sa mga UFO at meron kayong video o litrato man lang ay mangyaring mag-text sa 09286209127, mag-email sa misteryo_lohika@yahoo.com. Bisitahin ang aking website: http://misteryolohika.tripod.com.#