Monday, May 28, 2007

Charismata

Ayon sa Christian Theology, ang “charismata” ay ang spiritual gifts o regalong espiritwal na ipinagkaloob sa bawat Kristiyano para lalu pang maging matibay ang pananalig sa Simbahan at pananampalayata sa Diyos.

Kabilang sa mga nababalitang charismata ay ang tinatawag na “speaking in tongues” at “interpretation of tongues” Ang speaking in tongues ay ang pagsasalita ng lengguahe o wika kaiba sa nakagisnan o ginagamit ng taong meron nito. Samantalang ang interpretation of tongues ay ang taong may kakayanan sa interpretasyon ng hindi maintindihang lengguwahe.

Ang ganitong “regalo” mula sa Diyos ay nakasaad sa Bagong Tipan ng Bibliya partikular na sa Unang Corinto 12, Romans 12 at Ephesians 4. Bagaman sinasabing ang charismata ay umubra lamang sa mga sinaunang Kristiyano alinsunod sa paniniwala ng ilang denominasyon ng mga Protestante. Tinukoy dito ang speaking in tongue at interpretation of tongue ay naganap lamang sa mga naunang panahon ng Kristiyanismo o ang paniniwalang tinatawag na “cessationism.”

Ngunit marami ang naniniwala na nagaganap pa rin ito sa mga panahong ito. Ang mga nasa paniniwalang Charismatic, Pentecostal, Apostolic at iba pang denominasyon ng Kristiyanismo gayundin ang Katoliko Romano, Eastern Orthodoxy at iba pang denominasyon ng mga Protestante.

Naniniwala naman ako na hindi lang ito limitado sa paniniwala ng mga Kristiyano kundi maging ng iba pang relihiyon ngunit iba lamang ang katawagan sa regalong ito mula sa Kaitasaan. Sa aking sariling pananaliksik anuman ang relihiyong kinaaaniban, anuman ang antas ng iyong pamumuhay at sinukaman sa lipunan ay maaaring magkaroon ng ganitong regalo mula sa Diyos dahil lahat ay espesyal para sa mata ng Poong Lumikha sa atin.

Magkakaiba ang mga opinyon kung ilan nga ba ang spiritual gifts o charismata na ipinagkaloob ng Diyos sa tao. May mga nagsasabi na ito ay pito samantalang may ibang sektor naman ang naniniwala na siyam lahat.

Bukod sa naunang dalawang binanggit ko na charismata – speaking in tongue at interpretation of tongue na maaari ding pag-isahin sa tawag na “tongue”, ang iba pang regalong espiritwal mula sa Diyos ay ang “word of wisdom” na nakasaad sa 1Cor 12:8; “word of knowledge” 1Cor 12:8; “faith” o pananampalataya 1Cor 12:9; “gift of healing” 1Cor 12:9, 12:28; “miracles” o himala at “miraculous powers” 1Cor 12:10, 12:28; “prophecy” 1Cor 12:10, 1Cor 12:28, Rom 12:6, Eph 4:11; “discernment of spirits” o pagtukoy sa mga espiritu 1Cor 12:10.

Personal kong napatunayan ang ganitong regalo o gift mula sa Poong Lumikha nang ilang beses ko nang ipina-konsulta sa isang kaibigan ang mga katagang nasasabi ng isang tao kahit na siya ay gising – nangangahulugan nakakapagsalita siya ng ibang lengguwahe kahit na hindi siya nasa kundisyon ng tinatawag na trance na posibleng may ibang nilalang na gumagamit lamang sa kanyang bibig para magsalita.

Hindi ko lubos mapaniwalaan na meron siyang kakayanan na makapagsalita ng mga lengguwaheng Arabic, Icelandic, Hangkok at ang pinakahuli ay ang pagsasalita niya ng lengguwahe ng mga katutubong American Indian.

Sa aking personal na pananaw, maaari nating masabing ang taong ito ay merong isa sa siyam na charismata ngunit sa pagkakakilala ko sa kanya hindi lamang isa kundi halos lahat ng spiritual gifts ay meron siya.

Ngunit ako ay naniniwala na hindi lamang iilan ang meron nito kundi tayong lahat na nilikha ng Diyos ay meron dahil sa wala namang pinipili ang Poong Lumikha sa atin sa aking personal na paniniwalang LAHAT TAYO AY ESPESYAL sa KANYA. Kailangan lamang na magising tayo sa ganung katotohanan at isaisip na anumang spiritual gift na matuklasan natin ay magamit natin para sa ikabubuti hindi lamang ng ating sarili kundi lalu na sa ating kapwa at sa buong sangkatauhan sa planetang at sa buong kalawakan sa pangkalahatan.

Para sa inyong mga katanungan at suhestyun, mag-text sa 09209386533, mag-email sa misteryolohika@gmail.com at bisitahin ang aking website http://misteryolohika.tripod.com/, makinig sa aking programang Misteryo tuwing Sabado alas-5:30 ng hapon sa DZRH. #

Monday, May 21, 2007

Mensahe ng Panaginip (2)

Marami sa atin ang binabalewala lamang ang panaginip na sa akala natin ay isang bahagi lamang ng pangitain natin habang tayo ay natutulog. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, ang bawat panaginip ay merong mensahe na nais sabihin sa atin. Maaaring ito ay kasagutan sa inyong kinakaharap na problema o di man kaya ay mga suhestyun na dapat niyong gawin para sa ikabubuti ng inyong buhay.

Emily Tampal: Naniniwala po ako sa sinabi niyo dahil bata pa lamang ako nakakaranas na ako ng ganitong paniwala. Nakikipag-usap po ako sa patay pero sa panaginip lang po at nakakakita din po ako ng mga engkanto at nakapaghuhula din po ako at dalawang beses din po ako nakagamot ng may sakit. May katanungan lang po ako na di ko masagot. May lalaki nagpakita sa panaginip ko na maging asawa ko daw.

RS: Maraming salamat sa tiwala Emily. Isa kang mapalad na nilalang na nabigyan ng ganyang abilidad mula sa Kaitaasan. Hindi biro ang kakayanan na nakikipag-usap sa mga patay sa panaginip at ang kakayanan mong makakita ng mga espiritu Kung ano ang mensahe sa yong panaginip tungkol sa lalaking yung mahal ay malaki ang posibilidad na magkatotoo ngunit yan ay depende pa rin sa iyong kalayaan na magdesisyon.

Karen Ocampo: Last month 1 whole week laging may tubig- dagat o baha lagi pong ganun. Minsan po nakasakay ako sa bangka, yung dagat sa reality national road po yun, tapos ang lalaki ng alon, yung bangka tumatalon. Second, may baha nakatingin lang po ako. Paulit ulit po.

RS: Nais sabihin sa iyong panaginip na kailangang harapin mo ang anumang unos sa iyong buhay, malalim man ang dagat o malalaki man ang alon na dumarating sa iyo. Tignan mo ring mabuti ang direksiyon na iyong tinatahak sa buhay.

Para sa inyong mga katanungan at suhestyun ilagay lang po ang pangalan at tagasaan, mag-text sa 09209386533. Bisitahin ang aking website – http://misteryolohika.tripod.com/. #

Monday, May 14, 2007

Mensahe ng Panaginip

Marami sa atin ang binabalewala lamang ang panaginip na sa akala natin ay isang bahagi lamang ng pangitain natin habang tayo ay natutulog. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, ang bawat panaginip ay merong mensahe na nais sabihin sa atin. Maaaring ito ay kasagutan sa inyong kinakaharap na problema o di man kaya ay mga suhestyun na dapat niyong gawin para sa ikabubuti ng inyong buhay.

Bagaman, may mga panaginip na nagbababala sa anumang masamang mangyayari, maituturing naman na ito ay isang mensahe na dapat bigyan ng espesyal na atensiyon lalu na kung ang epekto nito ay hindi lamang sayo kundi sa maraming tao. Maaaring ito ay panaginip ng trahedya o kalamidad na maaaring kumitil sa buhay ng marami. Ang ganitong uri ng panaginip ay tinatawag na “precognitive dream.” Ang maaaring gawin ng nakapanaginip ay ihayag sa sinuman kung ano ang kanyang nakita sa panaginip paniwalaan man nila o hindi. Kahit paano ay nakapagbigay ka ng babala para makapaghanda, dahil sa maraming pagkakataon sanhi ng meron tayong tinatawag na free will ay ayaw tayong pakinggan sa sinasabi natin.

May panaginip din na nakikipag-ugnayan sa atin ang mga namayapa nating mahal sa buhay na kung iisipin natin ay imposible dahil sa nasa kabilang buhay na nga sila at kaluluwa na. Lingid sa kaalaman ng karamihan na sa pamamagitan ng pagtulog ay maaaring makipag-ugnayan ang mga espiritu tulad ng mga kaluluwa, nature spirits (engkantada, dwende), mga anghel, mga santo, at maging ang Panginoong Diyos. Ang paliwanag dito ng mga eksperto, aktibo ang subconscious mind natin habang tulog ang pisikal nating katawan. Ito rin ang pagkakataon sa mga negatibong espiritu na sumasalakay kung kaya’t lagi kong ipinapayo lalu na sa mga sensitibong tao na magdasal bago matulog o kaya ay bigyan ng sapat na proteksiyon ng liwanag ang buong katawan at kaluluwa. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng dasal para bigyan ka ng proteksiyon, at ang iba naman ay ginagawa sa pamamagitan ng meditasyon. Isinasaisip ang pagbaba ng liwanag mula sa kalangitan at babalutin ang buong katauhan.

Ngunit ang mga pagkakataon na may nakakausap ka sa panaginip ay hindi na talaga panaginip yun dahil sa ang kamalayan mo ay nasa labas na ng iyong katawan. Ito ang tinatawag na Out of Body Experience (OOBE) o astral travel, ang isang proseso na lumalabas na sa katawan ang bahagi ng iyong kaluluwa at kamalayan. Ang anumang makikita mo sa paglabas ng iyong kamalayan sa iyong katawan ay maaaaring ma-interpret ng iyong utak paggising mo bilang panaginip ngunit sa katotohanan ay talagang naranasan yun habang tulog. Batay sa pinakahuling pag-aaral ng mga siyentista sa misteryo ng pagtulog, 3 hanggang 4 na beses na lumalabas ang ating kamalayan sa buong linggo.

Ngunit sa pangkalahatan, ang mga nakikita sa panaginip ay pawang mga simbolo na merong mensahe na dapat nating pakinggan. Bihira lamang na literal ang kahulugan ng panaginip. Bagaman malaking tulong sa atin na malaman natin ang kahulugan ng panaginip sa pamamagitan ng mga nababasa nating libro tulad ng dream dictionary at iba pa, mas mainam na komunsulta kayo sa mga nakaka-intindi sa mga simbolo ng panaginip. Sa totoo lang, kayo din mismo na nanaginip ang makakaalam ng tunay na mensahe ng inyong panaginip. Ang payo ko sa lahat, kailangan may talaan kayo kun ano ang nakita niyo sa inyong panaginip o kilala sa tawag na “dream journal” para may giya lo guide sa kung ano ang ibig sabihin ng iyong panaginip.

Para sa inyong mga katanungan at suhestyun ilagay lang po ang pangalan at tagasaan, mag-text sa 09209386533. Bisitahin ang aking website – http://misteryolohika.tripod.com. #

Monday, May 07, 2007

Mga Supernatural at Clairvoyance

Nais ko lang bigyang katugunan ang ilan sa mga katanungan na halos paulit-ulit na isinasangguni sa inyong lingkod na may kaugnayan sa paksang paranormal.

Muli kong sinasabi na kung bukas lang tayo – ang ating kaisipan, sa mga bagay-bagay na hindi nabibigyan kasagutan ng siyensiya at relihiyon ay hindi mahirap para sa atin na tanggapin ang katotohanan tungkol sa mga nilalang sa kabilang dimensiyon, tungkol sa kapangyarihan ng isip ng tao at ang pakikisalamuha ng mga taga-ibang dimensiyon sa ating mundong ginagalawan.

Tanong: Kung Clairvoyant ba ang isang tao, pwede bang maisara yun?
Sagot: Ang kakayanang makakita ng mga espiritu po clairvoyance ay nahahati sa dalawang uri. Ang una ay tinatawag sa pangalang “objective clairvoyance” – ang kakayanang makakita ng mga espiritu sa mismong pisikal na mga mata; at ang pangalawa ay “subjective clairvoyance” – ang kakayanang makakita ng kabilang dimensiyon sa pamamagitan ng isip. Karaniwan maaari nating makita ang mga nilalang sa kabilang dimension sa pamamagitan ng isip, ngunit marami na rin sa tao ngayon ang nakakakita ng mga espiritu ng direkta sa kanilang mga mata. Kung merong ganitong kakayanan ay hindi ganun kadali isara at hindi maisasara ng ibang tao dahil sa ito ay nasa sa taong taglay ang ganitong abilidad. Ngunit dapat nating tandaan na bawat isa sa atin ay may potensiyal na magkaroon ng ganitong abilidad. Sa pagbukas naman sa ganitong abilidad ay nasa sa tao ring may gusto nito dahil sa ito ay nakasalalay sa kanyang pagtanggap ng ganitong kakayanan ng isip. Hindi rin biro ang ganitong kakayanan dahil sa kaakibat nito ang napakalaking responsibilidad lalu na sa espiritwal na layunin. Maaari itong unti-unting magising sa pamamagitan ng palagian meditasyon, at laging pinagagana ang isipan.

Tanong: Paano malalaman kung Supernatural ang isang tao?
Sagot: Karaniwan kong sagot sa katanungan na ito “walang supernatural bagkus ay natural, walang paranormal bagkus ay normal.” Nagiging supernatural sa ating paningin o paniniwala kung makikita nating kaiba sa karaniwan nating nalalaman. Hindi ba’t humahanga tayo sa mga abilidad na maituturing nating hindi normal nating ginagawa? Tulad halimbawa ng pagpapagalaw sa mga bagay na hindi mo kailangang hawakan o bigyan ng pisikal na pwersa, nakung tutuusin ay isang normal na kakayanan ng tao sa pamamagitan ng kanyang isip – at ito ay kilala na sa tawag na psychokinesis o telekinesis. Kung matatanggap lamang natin na lahat tayo ay may taglay na kapangyarihan ng isip ay hindi nating masasabing supernatural, abnormal o paranormal ang isang NORMAL na kakayanan. Wala naman tayo dapat na sisihin sa mga magulang natin, sa mga ninuno natin, sa paaralan o simbahan kung bakit hindi tayo iminulat sa ganung paniniwala na ang ating isipan ay makapangyarihan. Lalu na at karaniwan tayong binabalaan na ang anumang makikita nating kaibang nilalang o magawa nating kaiba sa nakagisnan nating karaniwang abilidad ay sa demonyo o udyok ng mga masasamang nilalang. Oo at sang-ayon ako sa ganitong babala na mag-ingat tayo ngunit maaaari naman nating gamitin ang ganitong kakayanan sa kabutihan, para makatulong sa kapwa tulad halimbawa ng pagpapagaling sa mga may sakit sa espiritwal na aspekto ng buhay ng isang tao, makatulong din na gisingin ang ating kapwa na irespeto ang karapatan ng mga di nakikitang nilalang, at ang positibong kaisipan na ang ganitong kakayanang itinuturing naging paranormal o supernatural ay isang napaka-espesyal na regalo sa atin ng Poong Maykapal na dapat nating ipagpasalamat sa kanya.

Para sa inyong mga katanungan: mag-text sa 09167931451 pakilagay lang ang pangalan at tagasaan. Maaari ding mag-email sa misteryolohika@gmail.com. Bisitahin ang aking website http://misteryolohika.tripod.com. Makinig din sa ating programang Misteryo sa dzrh tuwing sabado, alas-5:30 hanggang alas-6 ng gabi.#

Tuesday, May 01, 2007

Bakit May Diyos?

Ang Diyos…Ano ba ang pagkakakilala natin sa kanya? Marami sa atin ang naniniwalang ang Diyos ang lumikha ng lahat hindi lamang sa planetang ating ginagalawan kundi sa buong kalawakan o Universe.

May mga naniniwala naman na ang Diyos ang lumikha rin sa lahat ng mga nilalang sa kabilang buhay o ibang dimensiyon kabilang na rito ang mga Anghel, mga elemento at maging ng mga Ekstra-Terestriyal.

Ngunit sa kabilang dako naman, may mga tao ang di naniniwala na merong Diyos bagkus ay tayo bilang tao ay may kalayaan na hubugin ang ating buhay bilang isang nilalang na hindi dapat iasa sa Diyos.

Kanya-kanyang paniniwala, kanya-kanyang interpretasyon, kanya-kanyang opinyon resulta ng kanya-kanyang relihiyon at kanya-kanyang antas ng kaisipan – kapag nagkatagpo ay maaaring magresulta sa away o mauwi sa madugong digmaan.

Ngunit sa kabila ng mga natutuhan natin sa ating buhay sa larangan ng relihiyon at iba pang pang-espiritwal na mga aktibidad, hanggang ngayon ay hindi natin maarok kung sino nga ba ang Diyos – may mga nagsasabi nga “wag mo nang ipaliwanag kung sino at ano ang Diyos” ang mahalaga ay buhay ka sa mundong ito, kung akala mong may Diyos na lumalang, umaalay at tumutugon sa ating mga dalangin habang tayo ay nabubuhay, sige lang, kung di ka naman naniniwala na may Diyos ay meron tayong kalayaan na mabuhay alinsunod sa ating pinaniniwalaan.

Ang Diyos batay sa nakagisnan ng ibat-ibang lahi ng tao ay tinatawag din sa ibat-ibang pangalan alinsunod sa paniniwalang pang-relihiyon at espiritwal. Ang Diyos ay tinatawag sa pangalang Supreme Being, Elohim, Jehovah, Yahweh, El Shaddai, Holy Zeus, Jupiter, Brahma, Allah, Ra, Odin, Deus, Amlak, Jah, Ashur, Bhagavan, Paramatma, Ishvara,Baquan, Anami Purush, Radha Swami, Izanagi, Viracocha, Ahura Mazda, Mwari, Gitche Manitou, Sugmad, Hu, Shang Ti, Shen, Khoda, Dakilang Espiritu, Holy Ghost, Diyos Ama, The One, at tinatawag din bilang siya ring Inang Kalikasan.

Bunsod nito, marami nang mga argumento tungkol sa Diyos kung totoo nga bang may Diyos o wala. Para sa mga nasa paniniwalang Atheism, hindi sila naniniwalang may Diyos at walang basehan para sa paniniwalang espiritwal. Sa paniniwalang Satanism ang pinaniniwalaang diyos ay ang sarili ng isang tao at yun ang dapat na sambahin at hindi ang sinuman kaiba sa sarili.


Magkakaibang pananaw tungkol sa Diyos na ang resulta ay walang katapusang baliktaktakan at pagtatalo sa tao na hindi naman dapat mangyari dahil sa kung tutuusin dapat nating pahalagahan ang buhay na ating tinatamasa sa ngayon anuman ang antas ng pamumuhay.

Wala akong harangin na salungatin ang paniniwala ng ibang tao ngunit para sa akin ang paniniwala natin tungkol sa Diyos ay dapat nating ibase sa personal nating karanasan sa buhay.

Maaari kasing hindi paniwalaan ng ibang tao ang iyong karanasan na para sa sayo ay siyang totoo. Mahirap ipilit sa ibang tao ang pinaniniwalaan mo kung para sayo ay personal mong nakita ang anumang magandang resulta sa buhay.

Kamakailan lang ay tinanong ako ng ilang kabataan tungkol sa Diyos at iginiit ng mga ito na ang Dakilang Lumikha para sa kanila ay isang Judgemental GOD na kapag nakagawa ka ng kasalanan alinsunod sa paniniwalang Kristiyanismo ay huhusgahan ka at itatapon ka sa impiyerno samantalang ang mga mabubuti ay sa Kalangitan.

Ayaw kong makipagtalastasan tungkol sa ganitong paksa ngunit para sa akin ang paniniwala ko, ang Diyos na alam ko ay hindi mapanghusga dahil sa lahat ng kanyang nilalang ke mabuti ka o masama ka sa mata Niya o sa mata ng tao ay MAHAL NIYA.

Hindi ako salungat sa anumang itinuturo ng ibat-ibang relihiyon lalu na sa kinagisnan kong Katolisismo ngunit ang alam ko meron tayong kalayaan na paniwalaan ang anuman na para sa atin ay tama.

Kung sasandal tayo sa paniniwalang ang Diyos ay nanghuhusga ay balewala na ang lagi nating sinasambit na ang Dakilang Lumalang sa atin ay “ALL-LOVING, ALL FORGIVING GOD.”

Lalu pang nagulat ang mga kabataan sa aking sinabi na ang Diyos na alam ko ay hindi nagagalit, hindi nagseselos, hindi pinipili kung sino lamang ang kanyang dapat na MAHALIN dahil sa lahat tayo ay MGA ANAK NIYA na hindi niya dapat gawing mas espesyal ang isa at ang iba ay hindi.

Para sa aking personal na pananaw sabi ko sa kanila, PANTAY ANG PAGTINGIN ng Diyos sa ating lahat kahit na gaano ka KASAMA O KABUTI dahil sa siya ay punung-puno ng pagmamahal na hindi mo maaaring ihambing kaninuman at hindi natin siya maaaring ihambing sa mga katangian ng isang tao dahil nga sa siya ay DAKILANG DIYOS AT DAKILANG ESPIRITU na hindi natin kayang arukin ang kanyang KALOOBAN.

Ugaliing makinig sa aking programang Misteryo tuwing Sabado alas-5:30 hanggang 6 ng gabi sa DZRH. Mag-email sa misteryolohika@gmail.com at bisitahin ang aking simpleng website http://misteryolohika.tripod.com.#